
Wala, wala, wala kang mapapala. Sa isang katulad kong walang ginagawa. Kundi ang sambahin ka at pagmasdan habang sa iyo'y naka-tu-nga-nga...
Sa 'ki'y wala kang mapupura. Ikaw ang aking kaisa-isang bintana. Araw-araw kang binubuksan sa isipan kong walang laman. Ang makita ka't masilayan yun lang ang tangi'ng kaligayahan...
At pa-ulit, paulit-ulit na inu-ulit. Walang humpay na pagtitig. Sa ka-isa-isahan ko'ng langit. At tumagal. Tumagal pa nang tumagal. Mga halaman ay kumakapal. At nahinog na ang mangga sa likuran nitong bahay...
At ang binatilyo'y naghubad na at maliligo. Handa ka na nga bagang sa kanya ay tumapo? Baka porma lang yan at hindi mo isusubo?.. Aba eh, bahala na, todo na 'to, magsama ka pang sampu...
Hehehe, tingnan natin. Mukha mo, ikaw pa na hanggang sa tingin. Saka ang tatay no'n kahihilig na maglasing. Tatagayan ka noon, pustahan tayo uuwi ka ng lasing...
Kailangan pala munang pag-isipan ng mabuti. Praktis muna tayo bili ka ng tropi. Longnek agad para siguradong swabe. Samahan mo na rin ng pulutan at 'wag ka ng manligaw, tayo'y mag-inuman na lamang...
Sige na nga, saka na nga. Sa mga sinabi mo ako ay nanghihina. Hindi na lang tutuloy, ipapagpapaliban ko muna. Baka may payo ka?.. Pag-usapan natin sa toma...
PAUNAWA: Uminom muna bago mamulutan.
B-)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento