TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Marso 30, 2010

Sa Umaga




Nasanay ng magkape at manigarilyo sa umaga. Habang nag-iisip kung ano ang ipipinta. Habang tinatanaw mga nagdaraan sa kalsada. Habang pinapanood mga langgam na pumaparada...

Lampas na pala sa poste itong itinanim ko'ng puno. Mga dahon sa sanga'y may mga bagong tubo. Mga bulaklak sa palibot dahan-dahang lumalago. At may kalabaw na dumaan, sa bukid patungo...

Mga batang may bit-bit, galun-galong tubig. Mga dalagang basang-basa buhok nila't damit. Mga naglalaba, nagkukula sa tinding init. Habang mga kalalakihang ay nagbubungkal sa gilid...

At merong dumaraan isang malaking sasakyan. Habang kinakahulan ng mga aso sa lansangan. Meron ding dyip nakabuntot sa likuran. Waring bagong salta dito sa pamayanan...

May umaalis at may pumapalit. Tulad nitong usok may sarap at may sakit. Tulad nitong tasa ubos na ang nakasilid. Handa nang magpinta, handa na si Malupit...


^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento