
Noong unang panahon, hindi pa uso ang barong. Wala pang kastila na sa dalampasigan ay dumaong. Mga Intsik pa lang at pangilan-ngilang Hapon. May mga Indiano rin na nagdala ng relihiyon...
Ano pa ma't ano man yon. Huwag ibaon itong kahapon. Dahil ito ang pinanggalingan kung ano tayo ngayon. Kung ika'y nalilito na gumaganda ka ngayon?, o gumagwapo ang hitsura na di paris ng noon? Baka anak ka sa labas? Aba'y pumasok ka't umaambon...
Pero hindi na mahalaga, alam mo na yon. Importante'y gumagana ka at 'di ipinako ng kahapon. Hitsura ay kumukupas pero hindi ang solusyon. Pero pakiusap ko lang, huwag daanin sa pangdarambong...
Dangal marahil ang sagot sa kahirapan. Tinggan muli natin noon, wala naman silang ginagastusan. Mataas ang dignidad, kaya't kultura ay pinainam. Mataas ang moral, sa bawat isa ay may paggalang...
Pero iba na nga ngayon kaysa panahon noon. Pagulang-ng-pagulang mga kabataan daw ngayon. Mahilig daw sa akin, sa akin yan at sa akin yun. At kapag sisihin na, sambit ay 'di ako yon...
At malabo nang talaga na maibalik pa ang noon. Masarap na lang pagmasdan litratong ibinaon. Tulad ng matandang uuguy-ugoy sa maghapon. Habang bilog na buwan ay dahan-dahang umaahon...
Do not dwell in the past, do not dream of the future, concertrate the mind on the present moment.
Shakyamuni
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento