
Muli kong binigo itong aking sarili. Sa isang desisyong mali na hindi ko masabi. Pakiramdam ko'ng babala ay isinawalang-tabi. At ngayo'y nagdaramdam?, na waring nagsisisi?..
Ngunit nakahanda ako sa bawat kabiguan. Tumitibay ang loob, lakas ay nadaragdagan. Tumatalas ang pananaw sa bawat munting kamalian. Buhay ay mas higit ko nang nauunawaan...
At sa katayuan ko'ng ito, bumalik ba ako sa impiyerno? Sagot ko ay hindi nilagpasan ko na ito. At kasunod ko na tanong, nasa langit ba ako? Dama ko ay hindi, 'pagkat sa paanan ko ang ikawalong estado...
Alam ko'ng 'di mo maintindihan aking isinasalarawan. Habang isip mo'y naglalakbay upang ito'y maunawaan. Kung meron nga ba ito'ng halaga o walang katuturan? Hanggang umabot ang pag-iisip mo sa isang payak na katanungan...
Kabiguan?
If the minds of living beings are impure, their lands are also impure, but if their minds are pure, so is their lands. There are not two lands, pure or impure in themselves. The difference lies solely in the good or evil of our minds.
-N.D.
¤
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento