
Meron ka ba'ng kalapit, meron ka ba'ng kaharap? Huwag ka lang pahahalata tingnan mo lang kanyang palad. Masdan mo ang kanyang paa, ulo at balikad. Pansinin mo na rin ang damit kung papa'no s'ya mag-gayak...
Tingnan mo lang minsan 'wag lang masyadong tititigan. Ang naka-agaw ng pansin na gusto mong pag-isipan. Kaya mo bang basahin kung anong uri s'yang nilalang? Ano ang taglay n'yang galing o kaya'y kayabangan..
Kaya mo kayang basahin kung ano ang gusto n'ya? Kaya mo ba'ng malaman na may kung ano'ng propesyon s'ya? Ba't 'di mo subukan kahit sa iyong kakilala. Nang hindi nagtatanong ayon lang sa huna-huna..
Halimbawa kahit ano, tulad ng mala-parrot nyang mga kuko. Paliit ng paliit, para ng mga buto. Para ring sili pag may kulay na ito. Hindi niya alam na pabulok na ang mga ito...
At kung ang kaharap mo, na sa ilong ay nagkakamot. Malamang na meron siyang ipinagdadamot. May kasinungalingang sangkap na hindi maarok. Sabay konting kamot na malapit sa batok...
Hindi naman malabo ang mata ngunit nakasalamin. Asahan mo na may itinatagong siyang lihim. Na ayaw ipakita, waring dinidimdim. Pinagkakatago-tago, mahigpit na kinikimkim...
At sa mga kasagutan, tingnan ang isip kung tama. Kung nag-abot ba ang totoo sa naisip mong hula-hula. At kung walang sablay walang mali lahat tama. May taglay kang kapangyarihan na hindi mo nahahalata. Gamitin ng maayos at busilak na kusa...
¤
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento