
Pira-pirasong pangarap sa bitak-bitak na alapaap. Hindi maka-abante, hindi maka-usad. Panibagong pagsubok heto na at kaharap. Ayaw nang tantanan kahit na hirap na hirap...
Wala talagang permanente, lahat ay nagbabago. Sa dami ng pagpipilian, may ligtas, may delikado. Kapanatagan, kaligtasan, laban sa delubyo at peligro. Saan ba dapat uminom, sa kutsara ba o sa baso?...
Kung gustong maging isda sa tubig ay magbabad. Kalaunan, katagalan, may kaliskis na ang balat. At kung gustong lumubog sa putik o sa burak. Asahan ang paggapang, tulad ng bulate at ng ahas...
Tayong lahat ay may gamit at disenyo. Kung ikaw ay lumilipad kailangan mo ng pak-pak at balahibo. Kung ikaw ay sumisisid sa pinakamalalim na ibayo. Marahil ay alam mo na kung sino ka at kung ano...
At kung ikaw ay nag-iisip, nagsusulat at tumatakbo. Naglalakad, nagbibihis, naliligo, nagluluto. Nag-aaral, naglilinis, nagsasalita, umuubo. Asahan mong syento-porsyento, ikaw ay isang tao...
♀★▲◇■◎■◇▲★♂
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento