
▲ Ang sayaw ay alay para sa kalikasan. Pasasalamat ang taglay sa ani ng kasaganaan. Ligaya ang dulot sa buong sambayanan. Kultura ay umusbong sa talino ng kasaysayan...
Sagana itong paligid. Mga halaman na sa bunga ay hitik. Walang nagugutom, walang nagtitiis. Masaya ang lahat, mula sa biyayang nakakamit...
Sayaw, sayaw. Ipahiwatig sa galaw. Pag-ibig, pagmamahal. Ibahagi ng buong layaw. Tulad nitong batis, pumapawi ng uhaw. Tulad nitong liwanag na alay ni Haring-Araw...
▲◎▲
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento