TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Agosto 23, 2009

●"Kadayawan"●



Panahon na naman ng Kadayawan. Mga tribu ay bumaba mula sa kabundukan. Upang maghatid ng ligaya sa tanan. Indak-indak sa kadalanan...

Sayaw-sayaw sa tugtog ng alingaw-ngaw. Ipinagbubunyi ang kultura ng Dabaw. Makikita sa damit, makikita sa galaw. Ang sumayaw sa kalikasan ay biyaya araw-araw...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento