
Itong reyna at hari ay may dalawang palasyo. May spiritual leaders din, dalawa rin ito. Meron ding militar na dalawang kabayo. At walong magigiting na sundalo...
Ngunit hindi kumpleto kung walang katunggali. Syempre ang kalaban ay reyna rin at hari. Pareho din ang tauhan, iba lang ang may-ari. At sa labanang ito, isa lang ang dapat magwagi...
Una tira ang puti. Ubusan agad ng lahi. Lahat ay gagawin, huwag lang masukol itong hari. Isasalba ang lahat kahit palasyo ay ibawi. Kahit malagas ang sundalo. Ngiti lang ng hari ay mapanatili..
At tumira ang itim laban sa puting mapaghamon. Mga sundalo niya'y matyagang binaybay ang pasulong. Alagang-alaga ang bawat kilos at pag-ahon. Idinidepensa ang kaharian nitong reynang ikinakahon...
Patuloy ang laban, gitgitan patayan. Kain dito, kain doon. Walang humpay na ratratan. Hanggang sa nauwi sa padamahan. Sa kahuli-hulihan din ay tabla ang kinalabasan...
Tabla ang naging laban nitong dalawang kaharian. Ang kalunus-lunos lang ay ang mga namatayan. Mga naulilang miron na nagpanday ng kasaysayan. Walang naging silbi ang madugong labanan...
■
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento