
♀ Hindi ko alam kung titirahin kita o rerespituhin. Dahil ikaw ay presidente, nararapat lang na ikaw ay galangin. Hindi mo man ako kilala, pero ako'y sakop mo pa rin. Dahil ako ay pilipino na mag-aabang sa iyong mga sasabihin...
(tungkol sa bayan)
Sa lunes na ang iyong "SONA". Saan ang punto mo? Kahirapan ba o ekonomiya? Maaaring magka-iba tayo ng nakikita. Dahil nga narito ako at nandiyan ka...
(malapit na malayo)
Dito na ako namalagi, hindi na umalis ng Pilipinas. Nakapagtrabaho sa labas, sa "Saudi" doon ako napadpad. Maganda ang sweldo, palaging may pera sa palad. Pero ang kalooban ko ay madalas binabagabag...
(ng dignidad)
Kaya muli akong bumalik dito sa Pilipinas. Kaya sa buong termino mo. Nasaksihan ko ang lahat. Simula kay Ramos, sa iyo at kay Erap. Apektado talaga mababa ka man o mataas...
(height does'nt matter)
Pero hindi na ako magpapakalayo. Maghihintay muli ng maayos na pagbabago. Pero sa tingin ko mas malamang na magulo. Gugulo pa at gugulo. Dahil dumadami ang mga pang-gulo...
(tulad ko)
So, pa'no kita kits sa lunes na lang 'no. Papanoorin kita, gagalingan mo. Pag sa loob ng limang minuto at wala pa ring klaro. Ililipat ko ang channel, magmi-myx na lang ako...
(top ten music myx)
: mula ka Sona Babits :
→
you talk as if you know everything.
TumugonBurahin