
★ Alay ng buhay na magpatuloy ang tao. Biyaya ng ligaya ang dulot nito. Ngunit hindi lahat, nakakaranas nito. Kaya marami pa sa atin na lumabas na gago...
( o, ako na naman )
Paano kung ipinanganak ka noong panahon ng gyera. Uha mo'y hindi marinig sa lakas ng mga bomba. Pihado'ng la-laki ka'ng palaging may kaba. Puno ng takot pati pangamba...
(na mainitin ang ulo)
Paano kung ipinanganak ka sa panahon ni "Gloria"? At nataon pa sa panahon ng "SONA". At nataon pa sa kalye "Mendiola". Ano ka na kaya, bukas, makalawa?...
(aktibista'ng pulitika)
Paano kaya kung ipinanganak ka'ng pulubi. Iniwan ng magulang, sa basurahan itinabi. Mabubuhay ka kaya'ng may bait sa sarili? O mabubuhay ka kaya'ng may galit sa sarili?
(malamang adik)
Paano kung ipinanganak ka sa isang magarang palasyo. Punò sa karangyaan at mapalamuting espasyo. Mabubuhay ka kaya'ng may pagmamahal sa mundo? O mabubuhay ka kayang may ganid sa ulo?...
(siguro ewan ko)
Ganon pa man, ano pa man. Tayong lahat ay nanggaling na diyan. Sa pagiging sanggol na walang muwang. Tanong ko'y sulit ba ang iyong paglalang...
( sa palagay ko'y datapwa't subalit siguro)
Ikaw, ano sa palagay mo?
°⊙°
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento