![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhR_0O2PJteUuZxVFTzsFFUfFC7R9kZwAyHtJFtJa-6_lmJeeLxH-CFSZ5mR5hXTZEAKiLxcNv_4pZvHffrQp5ZKMy0zqb9QgvoTmZmRMK2M14pkS4CmpVG9XQ9-O1ExQ1RBCFdIluEEbo/s320/image-upload-226-756950.jpg)
≈ Pakupas na ang liwanag. May mga bituin na unti-unti ng lumalabas. Ito'ng buwan, itinatago pa ng ulap. Ano kaya ang hugis? Salukot ba o kuwintas?...
Unti-unti na rin na tumatahimik. maliban sa huni nitong mga kuliglig. Habang ikaw ay naka-sandal dito sa aking bisig. Kasaliw ang musika at ng alon ng tubig...
Rosas ay tumitingkad, sa kulay ube'ng langit. Kumikinang ang dagat, mula sa kaka-iba'ng init. At sa iyong mukha, na kaakit-akit. Hindi ko napigilan na sa labi mo ay humalik...
At ang gabi ay lumalalim. Hinahampas na ng alon, ang mga pinong-buhangin. Sumasaliw na, ang iyong malambing na haling-hing, sa kaway ng mga puno, at ihip ng hangin...
Ito ang gabi na tayo ay pinag-isa. Wari ang mundo ay tumigil at nag-pahinga. Upang saksihan ang biyaya ng ligaya. Sa dalawang nag-aalab na katawan at kaluluwa...
"" "" ""
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento