![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBmPzn_TgEk3YBYAepqqOO5K-fxavuhGDLKdWFA58qXAFEeBrIS74BIclugy_AaiSuwMUQzkSpWol6-3FSS8kxD65wVHYw3eIUGJyoTBhF4cOnfXN6NxxoME4oWweJD-nv3fUeBIyOrNw/s320/image-upload-143-711123.jpg)
ㄨAno ba ang meron sa buwan ng Hulyo? Bukod sa pyesta ng Paete at panaka-nakang-bagyo. Ang naaalala ko lang palagi kapag umulan na ng Hulyo. Naiisip ko yung klasmeyt ko noong "grade 2"..
(tagal na no'n a!)
Siga!, itong klasmeyt ko na 'to. Kapag katabi ko siya, nagmumukha akong kuto. Sa laki ng kaha, eh parang "cart" ng sorbetero. Kapapalahingi, 'hilig pang mang-batok sa noo...
(TOK!..aray!..)
Anak pa ng titser, este "terror" na titser. Mukha ring bakulaw pero hindi naman daw "sir". Napag-alaman ko na babae pala si "sir". Tulad ng klasmeyt kong siga. Babae'ng mukhang pader...
(na palaging iniihian ng aso)
Ang sama ng ugali nitong klasmeyt kong siga. Kahati ko na nga sa baon, hihingi pa ng pera. Pag wala kang maibigay, manununtok sabay mura. Itutulak-tulak ka sa mabahong basura...
(may tae pa ng aso at panis na kanin)
Uumuwi akong palaging umiiyak. Itong kutong-lupang wala ng suot na tsinelas. Pag-uwi pa sa bahay, natural palo ang kaharap. Kukurutin pa sa singit na kasing pino ng "iodized salt"...
(Aaahhh..whuw..hapdi)
At kinabukasan mauulit na naman? Mabuti na lang may naisip akong paraan. Tumigil na sya at 'di na ko sinaktan. Palagi ng nakangiti matapos ko syang halikan...
(ppwwheee!...pwwwhaaa!..ang pakla!...)
Isang araw rin akong suka ng suka at paminsan-minsan pag naaalala tuwing Hulyo.
ㄨㄨㄨㄨㄨㄨㄨ
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento