![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgdzB54y_ljoYprvyY19rkEqWgegB1RMsu80XEfPfZiyVAjj_mDXmzLNY1w2ylKVKrha5nRRvZEQZbd7-DYlMV_Xv3MJBQtK7NeA3I4ZA7sofV9_linP3dx9xsuUHBcmFgA7WH8XnvSxpU/s320/image-upload-132-736902.jpg)
★Ito ang petsa ngayon, sa panahon ng tag-ulan. Basa na naman ang lupa at ang ilog ay putikan. Nababago ang hugis nitong kapaligiran. Unti-unti umuusbong mga bagong halaman...
Dito sa kabundukan ay walang halos nabago. May ilang punong natumba at lupang gumuho. Ngunit mas malala doon sa ibabang dako. Mga inagos na bahay na sa basura ay humalo...
May nawalan ng tirahan, buhay at kabuhayan. Mga alagang hayop, patay din ng balikan. Mga may-bahay, naghihiyaw, nag-iiyakan. Paano na raw ang buhay kung ganito ang kapalaran.,
Muling babangon at muling tatayo. Doon pa rin titira, doon pa rin magtatayo. Wala na raw lugar, at ayaw ng lumayo. Dito na raw mamamatay, dito na rin daw pagugupo...
★"07/08/09"★
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento