![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiH0z9UtdXV_UC6a1smINoJOO1wWY_9r1FiKOYWHBwCFkYfrZrEUJ0XNZsyxA5D_XBWxwytWag9_p9sRd9WkYXzlfpeKoQAjCRtoVx1JN-PpIyHnw375mKhUVRjwUZaOQXkcfPNdIgCJbA/s320/image-upload-16-768391.jpg)
▲Mga tula ko raw ay puro paluko. Mahirap naman kung palagi akong seryoso. Hindi ako tumitira o naglalaglag ng tao. Hangga't maaari ay panatag lahat tayo...
Maganda na yung daanin lang sa biro. May ngiti pa sa labi, walang init sa ulo. Kung ibubuhos kong lahat-lahat ng kagaguhan ko. Hindi mo magugustuhan, aawayin mo ako...
Tulad nito:
Putang-ina mo!
Hayop ka!
Demonyo!
Suwail!
Tanga!
Gago!
Pangit!
Bobo!
Mukha kang pera!
Mukha kang relyeno!
Mukha kang tyonggo!
Mukha kang insekto!
Sira-ulo!...
O 'di ba ang sagwa?, hindi mabuti sa isipan. Damdamin ay nag-aalab, ang gumanti ang laman. Resulta ay away, gulo sa lipunan. Hanggang sa ang lahat ay mauwi sa sakitan...
Purihin na natin ang dapat purihin. Magbigay ng galak sa mga taong sadlak. Sayang lang ang aral, kung magiging pabigat. Tumulong ka na lang kahit hindi ito sapat...
Hindi ako tulad ng iyong inaasahan. Hindi ko kayang gawin ang gusto mong kaganapan. Hindi ako ikaw na tirador ng bayan. Kung sira man ang ulo ko. Yun ay akin na lamang...
Salamat pa rin sa iyong "suggestions". Bagamat ako ay pilyo pero hindi isang maton. Hindi ako pulitiko na mahilig sa diskusyon. Alagad ako ng sining, maging ang aking imahinasyon...
:tugon mula sa e-mail ko kahapon:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento