
△Huwag mo'ng sabihin na ikaw ay higante. Kaya kong sundutin, mata mong malaki. Huwag mo akong gulatan, baka ako mapundi...
▲Huwag mo'ng sabihin na ikaw ay bulilit. Titirisin kita 'pag ako'y nabwisit. Pipitikin kita. Magmumukha ka nang pusit. Para matigil ka't wala nang makulit...
△Ba't ba palagi mo, akong pinag-iinitan. Porke ba maliit ako. Eh, iyo ng papatulan. Ang hiling ko lang nama'y, tir-an mo ako ng pulutan. Ang lakas mo kasi lumamon. Para'ng mauubusan...
▲Eh, ano'ng magagawa ko. Higante ako'ng nilikha. Walang kabusugan, malakas tumoma. 'Wag kang mag-alala, ipagtitira kita. Heto ang ting-nga! Sairin mo yang lata...
△O'sige na nga, panalo ka na. Mapagpalabi ako at marunong maawa. Maigi na ito'ng malawak ang pang-unawa. Kaysa dambuhalang ang utak ay parang biya...
▲▲▲◎△△△
China Service Mall
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento