Punta tayo sa "Bali" "Indonesia".
Ka-dukto'ng daw ito ng ating kultura.
Salita nila'y tunog tagalog na inilukana.
Tara pasyal tayo. Saan muna titira.
Mula "Davao" hanggang "Cebu".
Sakay tayo ng eroplano.
Pagbaba, kain ng "ice-cream with buko".
Habang hinihintay ang kasunod na eroplano.
"Is-tap ober" muna sa "airport" ng "Singapore" (http://www.wutravecom/cities/Singapore/Singapore_hotels.html?a_aid=a70c1926) .
Ikot-ikot muna.
Suroy muna suroy.
May bagong "TV"'ng malinaw pa sa kumunoy.
'Sing nipis ng libro, na parang "akwaryum".
Heto na! Heto na! "Bali" na! "Bali" na! Kakulay din natin sila.
Ang panahon, mainit-init pa.
Ano nga ba ito?
Saan ba tayo nag-kaiba?
Buti pa muna pahinga ng konti.
Nakaka-pagod din hilo pa ng kaunti.
Pero ang ganda ng lugar, 'di mo mawari.
Dagsa ang turista, kahit saan ka magpunta.
Ang lugar ay makulay, para laging "fiesta".
Tug-tugan, sayawan, saliw nitong kaka-ibang musika.
Ma-sining na ma-sining ang kanilang kultura, pati mga ukit nila ay ibang-iba.
Orihinal na orihinal paniniwala at pagsamba.
Hindi nahaluan ng kanlurang kultura.
"Bali"! "Bali"..
Baling-bali ka, para kang babae.
Sa ganda ay lubos, hinding-hindi pahuhuli.
(http://www.wutravecom/cities/Singapore/Singapore_hotels.html?a_aid=a70c1926)
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento