Kayo ba ay huwaran? Kayo ba ay tunay na sandalan? Kaya n'yo ba'ng pun'an, itong kaban na iniwan? Kaban na iniwan nitong na-una nang magulang. O kayo ang uubos nitong natitirang laman? Kung tutuusin, sapat naman ang yaman. Hindi naman nauubos, bagkus ay nadaragdagan. Ngunit bakit? Ganito na naman. 'Di maka-ahon-ahon, lugmok daw sa kahirapan. Paulit-ulit na laang, tila walang katapusan. Itong minanang, baluktot na katuwiran. Nakakasawa nang magbasa nang magbasa. Nitong mga balitang wala namang kwenta. Walang solusyon, puro problema. Tanging nasa isip ay maka-ginansya. Punyeta! Aba? Galit pa. Halata naman na may pinagtatakpang kaduda-duda. Hindi makapansin, iniiwasang mapuna. Kumakana, naglalamyerda. Iba na talaga ang takbo ng buhay. Sa paniniwala at pagkilos, lumilihis, sumasaway. Tanging ang awa. Ang naka-sabit, naka-sampay. Di na kumikilos, naghihintay sa biyaya nitong buhay. Juan Tamad, Juan Tamad, bakit mo inasawa si Inday Makunat. Tuloy kaming lahat, 'di maka-angat-angat. Dahil sa pilosopiya n'yong sa kagandahan ay salat. Mga kapatid ko na s'ya n'yong supling. Nangagsidayo, umalis ng walang bilin. Baon ay hinagpis, sakit, titiisin. Malamanan lang baul na hinabilin. <IMG SRC="http://affiliate.wutravel.com/affiliate/scripts/sb.php?a_aid=a70c1926&a_bid=0e347153" WIDTH="1" HEIGHT="1" BORDER="0" ALT="" ><a href="http://www.wutravel.com/http://affiliate.wutravel.com/affiliate/scripts/t.php?a_aid=a70c1926&a_bid=0e347153&desturl=http://acyatan.blogspot.com" alt="compare hotel price more than 40 sites"><img src="http://banners.wutravel.com/20080812/cheap-hotel-price.gif" border=0 /></a>
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento