TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Marso 21, 2009

Para Sa Kabataan


Alam na natin ang tama at mali. Pero mas lamang itong nakararami. Maganda man o mabuti, kung wala ring puso. Wala ring silbi.
Ramdam ko rin ito sa aking sarili. Hindi ko mapigilan mainggit at mangsisi. Tao lang ako, kasagaran kong pansapi. Ako'y nababaduyan na. Sa palagi kong sinasabi.
Naranasan ko na rin manapak at masapak. Naranasan ko na rin tumawa at humagalpak. Kapag nakakita ng mga naghihirap. Tinatawanan ko mga pilay at bulag, pati mga batang madudungis na'y hubo pa at hubad. Matatandang paikang-ikang, kulubot na at uugod-ugod. Ang baho! ng hininga. Sarap sipain ng tungkod.
Wala rin akong pakialam sa mga hayop at insekto. Hindi ko pinapatawad ipis, daga, pusa o aso. Palaging may tadyak pag sumagi sa daan ko. Patay kang bata ka, wala akong sinasanto.
Kahit ka pa bulaklak, mabango at maamo. Pipitasin at dudurugin, gagawing parang lobo. At di pa nasiyahan, binunot pa katawan nito. Pag-puputol-putulin, saka gagawing abo.
Ang sama ko! Ang sama ko! Bumubulong sa isip ko. Matapos hithitin itong isang damo. Dumarami ang nagsasalita na parang mga multo. Nakakatakot! Parang ika-mamatay ko.
At ang pintig ng puso'y bumilis ng bumilis. Pinag-papawisan butil na malalamig. Kasindak-sindak, kahindik-hindik. Para akong buhay na para ring patay. Hindi maka-galaw di rin maka-saway. Nag-kukulong sa kwarto, hindi maka-labas ng bahay.
At sa aking ulo'y walang tigil ang isip. Isip ng isip, isip ng isip. Mga inalipusta kong lahat ay nagagalit. Pilay na nag-lakad sumuntok nang lumapit. Bulag ay nag-tawa nang makita akong nangi-nginig.
Kulubot na matatanda gumanda at kuminis. Mga hayop na gala, kinagat ako at ini-ipit. Bulaklak na amoy utot, amoy imburnal, amoy putik.
Gusto kong tumakbo! Ngunit di makagalaw. Iyak nang iyak, parang sanggol na uhaw. At sa isang iglap, nagising, napukaw? Maliwanag na maliwanag itong sikat ng araw.
At noon pa man ay nalaman ko na. Tunay na masama, tunay na maganda. Tunay na mabuti, tunay na masaya. Ang kapanatagan ay tunay na tunay na. Kahit sang lupalop, ka pa mapa-punta? Dalisay na puso, harinawa'y lumawak pa. Sa tulad ko at tulad mo. At sa katulad din nila.



PBA09pq482q9

2 komento: