TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Pebrero 11, 2009

Pagliyag


Lumilipad itong isip.
Lumalangoy sa panaginip.
Makulay itong paligid.
Laging may awit na naririnig.

O kay lamig nitong batis.
Punong-kahoy, bunga'y kay tamis.
Mga bulaklak, iba-iba ang hugis.
At ang ganda mong walang kaparis.

O giliw.
Halika dito sa aking bisig.
O giliw.
Tanging ikaw ang iniibig.

Munting bahay na kanais-nais.
Laging maayos, laging malinis.
Walang bahid lungkot, ni walang hapis.
Pagod ko'y dagliang inaalis.

Tunay ka aking sinta.
Ang puso ko'y nahahalina.
Buong-buo ang iyong ganda.
Wala na akong hahanapin pa.



China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.
China Service Mall

3 komento:

  1. i have the same hobby. writing poems. :)

    TumugonBurahin
  2. Thanks winkii. :-) you have a very nice site... Mobile blog ko 'tong tula, naka-install na sa phone, pag walang magawa, tula lang, para lang kasing nag-ttext.. Enjoy din... peace B-)

    TumugonBurahin
  3. Hindi-nagpakilalaLunes, 06 Abril, 2009

    okey ah!

    TumugonBurahin