
Sagad hanggang buto itong aking kalungkutan. Sapul ng ikaw ay umalis at tuluyan ng lumisan. Nagdurugo itong puso, sugat ay nadaragdagan. Hindi ko mapigil ang luha ng pagdaramdam....
Sumisigaw ang pananabik na muli't muli kang mahagkan. Humihiyaw ang puso ko sa labis na kapighatian. Para akong nauupos na kandilang naghihintay ng kadiliman. Para akong bangkay na malamig pa niebe ng kanluran...
Paano na ako ina kong mahal? Nasanay na ako na palagi kang nandiyan. Ikaw ang takbuhan sa tuwing ako ay nasasaktan. Sino na ang mag-aaruga sa marupok kong isipan?..
●
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento