TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Abril 28, 2009

¤-BASURA-¤




★Ingat tayo ngayon sa pagtapon ng basura. Marami nang sakit ang nakukuha. May luma, may bago, na nakakahawa. Delikado! Nakakamatay pa...
Ihiwalay ang nabubulok at 'di nabubulok. 'Wag pagsamahin, plastik, papel at iba pa'ng pambalot. I-"recycle" natin ang pwede pang maayos. Upang ang "Mother Earth" ay 'di mag-hikahos...
Turuan natin ito'ng mga bata. Lalo na ito'ng mga matatanda. Dahil nasanay tayo na mag-sunog na kusa. Usok ng "plastic", sa kalusuga'y masama...
Sa bawat pag-unlad ay may basura'ng katapat. Gabundok na basura, and'on sa Payatas. Kinakalkal ng mamamayang payak. Kalunos-lunos, hindi kagalak-galak...
Ano ang dapat gawin? Walang dapat sisihin. Manapay kumilos, layunin ay gawin. Maki-alam, sa bawat usapin. Upang mundo'y maging ganap. Masarap na buhay, ating kamtin.

↑↑★▲△△▲★↑↑




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento